0 notes
contradicting thoughts.
kanina, sa church ang intro ay tanong.
sabi ni kuya dan encarnacion, tanong mo sa katabi mo ito:
What is the most impossible thing you want to happen?
WALA akong maisip. tik tok tik tok.
katabi ko kapatid ko eh haha. sabi nya saken, sumikat daw sya sa pamamagitan ng isang banda,
alam mo kung anong naisip ko??
wedding…
ang sabi ko, kahit walang nakarinig,
GUSTO KONG PAKASALAN SI AARON.
:( bakit ganun? bakit iyon ang naisip ko na pinakaimposibleng bagay na gustong gusto ko mangyari..?
pero ang tanong, bakit “IMPOSSIBLE”
Ang sakit isipin na, kahit mahal na mahal nyo ang isa’t isa, parang hindi pa rin sya.
PERO GUSTONG GUSTO KONG MAGING SIYA YON!
Ang hirap tanggapin na, kailangan ko syang isurrender.
Pano kung hindi sya? Anong gagawin ko? Gano kasakit to? Gano ba mawawasak ang mundo ko? Gano ba mawawasak ang buong pagkatao ko?
ANG HIRAP. ANG HIRAP HIRAP na andyan na sya bago ko pa man tanggapin Sya.
Kaso sabi sa bible, Don’t conform to this world any longer.
Pero this is not what the world usually see. Is this of the world?
Siguro nga hindi ko pa naisusurrender lahat lahat sa Kanya, kaya ganito kahirap.
I need to hand Him the pen.
I want for Him to write my love story.
Kahit anong gawin ko, parang walang sagot.
wala pa ring sagot. Si Aaron na nga ba? Siya na nga ba talaga?
Kung hindi sya, bakit hindi na lang sya?!
Ano pa bang hahanapin sa isang lalaking tulad nya?
Totoong marami pang iba dyan,
Totoong hindi lang sya ang lalaking ganun,
pero I KNOW DEEP IN MY HEART,
mahal na mahal ko sya.
Pero sabi rin naman sa bible, the heart is easily deceived :(
Lord, Siya na naman oh, Siya na lang, Siya na lang please……!